Hindi ko kailangang mag-english ngayon.
Nakakatamad.
Nakakalungkot.
Nakakadismaya.
Ewan ko ba, pero parang magkakaproblema ulit.
Maayos na buhay ko e. Maayos grades ko, okay kami ng friends ko, andyan naman si Enzo.. kaso lang. Ewan. Basta parang.. may conflict talaga.
I mean, di naman talaga maiiwasan e. Kasi nga, ayun. Basta. Ang gulo e. Pero ako nga siguro ang dahilan kung bakit nagkakaganito. Para kasing, ang sakit din sa part ko. Knowing na, may past at ang laking effect nun.
Ang gulo talaga. :(
Ewan. Mag-aaral na lang siguro ako ulit. Matutulog ng mga 9:30. Magising ng maaga mamaya. Ayusin at i-practice ang prayer ko para sa flag ceremony bukas ng umaga. At mag-aral na naman. pagdating ng school, mag-aaral pa rin. makipag-usap sa mga kaibigan na para bang wala akong nararamdaman na iba, makipagbiruan, hanapin si Enzo.. makasama si Enzo. at.. yun.
nakakainis talaga. :(
sana hindi na lang nagkakaganito.
ang sakit isipin na parang, "panira" ako.
sana, hindi siya ang unang pag-awayan namin. sana.. hindi siya ang magiging dahilan ng pagkalas ni Enzo saken. Lord, wag naman sana siya.
Kasi hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun.
Marami na kasi akong kabiguan e. Actually, di naman marami. Konti pa lang. pero ayokong madagdagan yun.
Una, di ako magiging awardee ngayon.Sunod, natalo ako bilang level rep ng SG.Pangatlo na jan ang pagiging muse ko. Di ko naman ata hinangad e. Sabi ko sergeant at arms! bakit muse? kakatanga. Amf.Ayoko ng madagdagan pa yan.
Masaya na akong ganito. tanggap ko ng lahat ng bagay na gusto ko hindi ko makukuha.
pero please.. kahit siya lang, itira niyo sa'kin?
wag na sanang mangyari ang kinakatakot ko.
hay..
i love you friends! enzo, lahat ng tao sa mundo! :D